Halos limang taon na ang lumipas,
nagdadalamhati pa rin kami,
higit sa lahat, kami ni Trisha.
Nag-aaral na kami sa New York,
at umuuwi tuwing bakasyon sa aming uinbersidad.
Umuuwi kami upang dalawin si Kuya Miguel.
May ilang araw pa lamang ang inilalagi namin ni Trisha sa Maynila nang may naganap na ‘di
inaasahan.
Nanonood kami ng balita sa telebisyon nang iniulat na may sumabog na namang bomba
sa isang gusali na pinaghihinalaang isang shabu factory.
Sabi sa balita, ikalimang pagsabog na raw ang naganap na iyon.
Ngunit sa pagkakataong ito, bukod sa mga bangkay ng mga namatay dahil sa pagsabog,
isang bangkay naman daw ng isang babae,
edad 24-30, maputi, may suot na gintong kwintas na may nakasabit na gintong letrang M,
ang natagpuan sa parking lot ng gusali.
May tama ng bala sa dibdib ang babae na pinaghihinalaang kasama din ng sindikato.
Iniimbistigahan pa raw ng pulisya ang mga pangyayari.
Natigilan ako.
Babae,
edad 24-30,
maputi,
at may kwintas na pamilyar ang paglalarawan…
Hindi kaya..?
Nasa morgue kami ni Trisha, nanlalamig ako hindi dahil sa lugar, kundi dahil sa kutob ko.
Matagal na raw miyembro ng sindikato ang babaeng natagpuan, ayon sa mga informer ng pulisya.
Halos limang taon na raw.
Ipinasok sa kwarto ng punerarya ang bangkay.
May taklob itong puting kumot.
Inihanda ko ang aking sarili.
Si Trisha ay kumapit sa balikat ko.
Nanlalamig din siya.
Dahan-dahan kong iniangat ang puting kumot.
At nang maalis ko ito ay…
“Ate… Mara..?” nanghihina kong nasambit.
Napakaganda niya pa rin.
Hindi ako maaaring magkamali.
Si Ate Mara, noon ay buhay na buhay,
ngayon ay isa nang bangkay sa harap ko.
Napag-alaman namin ni Trisha,
pagkamatay ni Kuya Miguel,
nag-aral si Ate Mara ng Chemical Engineering sa Massachusetts, sa Amerika.
Matapos ang mag-aral ay umuwi siya sa Pilipinas
upang magkunwaring isang drug user na nais maging pusher.
Naging isa siya sa mga pinuno.
Nang malaki na ang tiwala sa kanya ng sindikato, isa-isa niyang pinasabog ang mga pagawaan.
Unti-unti niyang iginanati ang pagkawala ni kuya Miguel.
Ang isang ligaw na bala na tumapos sa buhay ni Kuya
ay siyang nagdulot sa pagiging isang ligaw na bala ni Ate Mara.
Isang ligaw na balang tumapos sa sindikato.
Napaslang man siya ng isa pang pinuno,
umakyat naman ang pumaslang sa kanya sa gusali at naapakan ang isa pang bomba.
Kahit papaano ay natapos niya ang kanyang gulo.
Mayroon siyang tinamaan.
teenagedterrorist.blogspot.com
Tuesday, September 23, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment