well.
this post is in tagalog.
so to anyone who cannot understand,
please ask a pinoy to translate it for you.
my apologies.
***************************
Habang nanonood ng telenobela si Tita Liz, lumabas kami ni Trisha.
Dali-dali naming tinungo ang lugar na pinapasukan ni Kuya Miguel.
Ngunit nang dalawang kalsada na lamang ang layo namin doon,
nakarinig na kami ng kaguluhan.
Malakas ang hiyaw ng mga tao sa paligid.
Akala ko mga tambay na nag-iingay lamang sila.
Hindi pala.
Huli na siguro ang lahat.
nasa gitna kami ni Trisha ng isang habulan, habulan ng mga taong nagkaonsehan sa shabu.
May mga dala silang baril na kanilang ipinuputok sa direksyon ng mga dati nilang kasamang
inisahan sila.
Mga taong walang kaluluwa!
Sinikap namin ni Trisha na makalayo sa kanila.
Gasgas na kami sa dami ng nasabitan naming mga nakausling kahoy,
tinik ng halaman at pako.
Sa wakas ay nakahanap kami ng mas ligtas na lugar.
Sumiksik kami sa mga halaman sa hardin ng isang abandonadong bahay.
Akala namin ni Trisha, kami lamang ang nagkukubli doon.
Mayroon palang iba.
Hindi kami napansin ng dalawang tao sa tabi namin.
Nakahiga ang isa at ang kasama niya ay humihikbi habang hinahawakan ang mukha niya.
Nanlamig ako. May kakaibang nangyayari.
Pamilyar sila pareho. Kinutuban ako.
Diyos ko, ang aking dasal, ‘wag naman po sana.
Hindi…maari.
Hawak ko ang kamay ni Trisha.
Nanginginig siya.
Nanlalamig din.
“Diyos ko po!” garalgal na ang tinig ni Trisha.
Halos himatayin ako.
Si Ate Mara pala ang humihikbi, at ang nakahiga, duguan, ay si…
“Kuya Miguel!” sigaw namin ni Trisha.
Anong nangyari? Bakit?
“Tinamaan siya,” wika ni Ate Mara.
Hinaplos niya ang noo ni Kuya at tahimik na umiyak.
Namulat si Kuya Miguel.
Nakita kami.
Hinawakan niya ang aming mga kamay.
Isinara niya ang kanyang mga mata,
kasabay ng pagbitaw niya sa amin.
ligaw na bala (part one)
by teen aged terrorist
Monday, September 22, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
read my blog!!
i welcome advertisers.
i need money.
Post a Comment